IKAAPAT NA MARKAHAN
GRADE LEVEL STANDARDS:
Pagkatapos ng Ikasiyam na Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyano upang mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano.
TEMA: Noli Me Tangere sa Puso ng mga Asyano
PANITIKAN: Noli Me Tangere
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES:
Modyul1
1)Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat nito, pag-isa-isa sa mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ito at pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon sa lipunang Pilipino (P9PN-IV-a-b-56)
2)Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at matapos isinulat ang akda (F9PB-IVa-b-56)
3)Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan (F9PT-IVa-b-56)
Modyul 2
1)Nabibigyang-patunay na may pakakatulad/pagkakaiba ang binasang akda sa ilang napanood na telenobela (F9PD-IVa-b-55)
2)Nagagamit ang mga angkop na salita / ekspresyon sa paglalarawan, paglalahad ng sariling pananaw,pag-iisa-isa at pagpapatunay (F9WG-IVa-b-57)
3) Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon,at bisa ng akda sa sarili at sa nakararami (F9PS-IVa-b-58)
4)Naitatala ang nalikom na datos sa pananaliksik (F9PU-IVa-b-58)
Modyul 3
1) Nahihinuha ang katangian ng mga tauhan at natutukoy ang kahalagahan ng bawat isa sa nobela(F9PB-IVc-57)
2)Nakabubuo ng isang makahulugan at masining na iskrip ng isang monologo sa isang piling tauhan(F9PU-IVc-59)
3)Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay-katangian (F9WG-IVc-59)
Modyul 4
1)Napapangkat ang mga salita ayon sa antas ng pormalidad ng gamit nito (level of formality) (F9PT-IVd-58)
2)Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring naganap sa buhay ng tauhan (F9PN-IVd-58)
3)Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang, sa kasintahan, sa kapwa at sa bayan (F9PB-IVd-58)
4) Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin at matibay na paninindigan (F9WG-IVd-60)
5)Nakasusulat ng iskrip ng Mock Trial sa tunggalian ng mga tauhan sa akda (F9PU-IVd-60)
Modyul 5
1)Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa pamamagitan ng pag-uugnay sa ilang pangyayari sa kasalukuyan (F9PN-IVe-f-59)
2)Naipaliliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanat na nakatutulong sa pagpapayaman sa kulturang Asyano (F9PB-IVe-f-59)
3)Napaliliwaanag ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay-pahiwatig sa kahulugan (F9PT-IVe-f59)
Modyul 6
1)Naihahambing ang mga katangian ng isang ina noon at sa kasalukuyan batay sa napanood na dulang pantelebisyon o pampelikula (F9PD-IVg-h-59)
2)Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya ng pamamalakad ng pamahalaan , paniniwala sa Diyos, kalupitan sa kapuwa, kayamanan, at kahirapan at iba pa (F9PB-IVg-h-60)
3)Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin ng ina at ng anak(F9PS-IVg-h-62)
4) Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapaliwanag, paghahambing at pagbibigay ng opinyon (F9WG-IVg-h-62)
Modyul 7
1)Nasusuri ang pinanood na dulang panteatro na naka-video clip batay sa pamantayan (F9PD-IVi-j-60)