SA ILALIM NG PANANALIKSIK
GRADE LEVEL STANDARDS:
Pagkatapos ng Ikasiyam na Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyano upang mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano.
TEMA: Mga Akdang Pampanitikan ng Timog-Silangang Asya
PANITIKAN: Â Tula, Sanaysay at Dula
GRAMATIKA:
Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw. (F9WG-If-44)
Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa) (F9PS-Ig-h-45)
Tula:
Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa napakinggang tula. (F9PN-Ie-41)
Nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang Asyano. (F9PB-Ie-41)
Natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang pahayag sa ilang taludturan. (F9PT-Ie-41)
Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng rehiyong Asya (F9PU-Ie-43)
Sanaysay
Naipaliliwanag ang salitang may higit sa isang kahulugan. (F9PT-If-42)
Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa napanood na debate o kauri nito. (F9PD-If-42)
Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat na katangian ng kabataang Asyano. (F9PU-If-44)
Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw. (F9WG-If-44)
Dula
Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan ng akda. (F9PN-Ig-h-43)
Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nito. (F9PT-Ig-h-43)
Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula. (F9PUIg-h-45)
Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa)
(F9PS-Ig-h-45)