GRADE LEVEL STANDARDS:
Pagkatapos ng Ikasiyam na Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyano upang mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano.
TEMA:
Mga Akdang Pampanitikan ng Asya
PANITIKAN:
Parabula, Elehiya/Awit, Maikling Kuwento, Alamat, Epiko, Sanaysay
GRAMATIKA:
Mga Matatalinghagang Pahayag
Mga Pang-uring Nagpapasidhi ng Damdamin
Mga Pag-ugnay na Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari
Mga Pang-abay na Pamanahon, Panahunan at Pamaraan
MODYUL 1:
-Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan.(F9PB-IIIa-50)
-Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang mga matatalinghagang pahayag. (F9WG-IIIa-53)
-Naisusulat ang isang anekdota o liham na nangangaral; isang halimbawa ng elihiya. (F9PU-IIIa-53)
MODYUL 2:
-Nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa tema, mga tauhan, tagpuan, mga mahihiwatigang kaugalian o tradisyon , wikang ginamit, pahiwatig o simbolo at damdamin.(F9PB-IIIb-c-51)
– Nabibigyang puna ang nakitang paraan ng pagbigkas ng elehiya o awit.(F9PD-IIIb-c-50)
MODYUL 3:
-Nasusuri ang mga tunggalian (tao vs. tao, at tao vs. sarili) sa kuwento batay sa napakinggang pag-uusap ng mga tauhan. (F9PN-IIId-e-52)
-Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin. (F9WG-IIIb-c-53)
MODYUL 4:
-Napatutunayang ang mga pangyayari at /o transpormasyong nagaganap sa tauhan at maaaring mangyari sa tunay na buhay.(F9PB-IIId-e-52)
-Natutukoy ang pinagmulan ng salita ( etimolohiya ).(F9PT-IIId-e52)
MODYUL 5:
-Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga tunggaliang(tao vs tao, tao vs sarili) sa napanood na programang pantelebisyon. (F9PD-IIId-e-51)
-naisusulat muli ang maikling kuwento na may pagbabago sa ilang pangyayari o mga katangian. (F9PU-IIId-e-54)
MODYUL6:
-Nabibigyang-kahulugan ang kilos,gawi, at karakter ng mga tauhan batay sa mga usapang napakinggan/ nabasa. (FPN-IIIf-53)
-Napapatunayan ang pagiging makatotohanan/di-makatotohanan ng mga akda. (F9PB-IIIf-53)
MODYUL 7:
-Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa epiko.(F9PB-IIIg-h-54)
-Nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng alinmang bansa sa kanlurang Asya. (F9PS-IIIg-h-56)
-Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano at bayani ng Kanlurang Asya. (F9EP-IIIg-h-21)
MODYUL 8:
-Naiisa-sia ang kultura ng kanluraning Asyano mula sa mga akdang pampanitikan nito. (F9PB-IIIi-j-55)